sá•la 1: anumang ginawâ na labág sa batas o tuntunin ng isang kultura, organi-sasyon, o institusyon 2: silid sa pagtanggap ng mga bisita 3: sayaw1 4: liban3
sá•la 1: hindi tumamà ang ulos, suntok, o punglo; malayò o lihis sa nais patamaan ng ulos, suntok, o punglo 2: ligtâ
sa•lá•am 1: sa mga taga-silangan, pagbati ng kapayapaan 2: sa India, pagyuko at paglalagay ng kanang palad sa noo bílang tanda ng paggálang
sa•lá•bat 1: sabád1 2: pagtawid o pagdaan sa isang daa-nang hindi gaanong ginagamit upang makarating nang mas mabilis sa pupuntahan 3: pagpigil ng isang tao sa daan 4: benda na ipinupulupot sa braso o sa balikat
sa•lá•bay 1: patay na tubig 2: pag-kukrus ng mga kamay kapag umiinom 3: lamándagat sa class Scyphozoa , na higit na malakí kaysa dikya at nakapagdudulot ng tíla kinoryenteng kirot sa matamaan ng galamay