sandhi (sán•di) : proseso ng pagpapalit ng porma ng mga salita bílang resulta ng posisyon nitó sa pangungusap kung binibigkas
san•dí•kit : palumpong (Plumbago Zeylanica) na gumaga-pang at maraming sanga, may da-hong habilog, may bulaklak na putî, katutubò sa India at Africa at ipinasok sa Filipinas sa bungad ng ika-20 siglo
san•dí•rit 1: laruang papel o manipis na patpat at umiikot sa hihip ng hangin 2: élisé 3: kilos túngo sa pag-imbulog sa papawirin
san•dók 1: pansalok na may mahabàng tatangnan at ginagamit sa pagkain 2: pagkuha o pagsalok ng anuman mula sa isang sisidlan