san•du•gô : kasunduan na pinagtitibay sa pamamagitan ng pagsugat sa sarili ng mga kalahok, pagpatak ng dugo sa isang sisidlan, at pag-inom sa dugo
sandwich (sánd•wits) : tinapay na may dalawa o higit pang pira-so, may palamáng karne o keso, at iba pa
sang- 1: pambuo ng pangngalan at nagsasaad ng kabuuan, hal sang-angaw 2: pambuo ng pangngalan, dinudugtu-ngan ng hulaping -an ang salitâng-ugat, at nagsasaad ng malakíng kabuuan, hal sangkatauhan, sangma-liwanag
sa•ngá 1: bahagi ng pu-nongkahoy o haláman na tumutubò sa pinakakatawan at may mga dahon 2: bahagi na humihiwalay ng tunguhin o pupuntahan, gaya ng sanga ng ilog at sanga ng lansangan 3: dangkal
sá•ngab 1: pook na naiinitan ng apoy, araw, at katulad 2: pag-inom nang tuloy-tuloy hábang pinipigil ang paghinga 3: mohón
sa•ngág 1: bahaw na iniluto sa kaunting mantika at bawang, at malimit inihahain sa almusal 2: pagluluto sa kawali 3: paglinis o , paggawang dalisay sa ginto 4: pagpapaliit nang bahagya sa isang bagay