sa•ró•ar : pantalong panlaláki na gawâ sa abaka at may nakatahing malapad na telang tatsulok sa singit
sar•sa•pa•ríl•ya 1: preparasyon ng mga tuyông ugat ng iba’t ibang haláman at ginagamit na gamot, pampasigla, o pampalasa sa inumin 2: alinman sa mga halámang (genus Smilax) pinagmu-mulan nitó 3: soft drink na sinangkapan nitó
sar•su•wé•la : dulang musikal na naging popular sa dulo ng ika-19 santaon, hango sa zarzuela ng Espanya, at nagtatanghal ng mga bagay na tradisyonal sa Filipinas