sa•ri•wà 1: kakukuha o kagagawâ pa lámang, hal sariwang gulay, bulaklak, o prutas 2: kadáratíng pa lámang 3: hindi maalat, kung sa tubig 4: hindi panis, kung sa pagkain 5: hindi ginamitan ng anumang paraan ng pagbuburo, pagtatapa, pagbibilad, o iba pang pampatagal sa gulay, karne, prutas, o isda 6: hindi pagód 7: muling tumubò, kung halaman o muling sumakít, kung sugat na inaalagaan 8: manatiling mukhang batà, o hindi apektado ng nagdaang panahon