ta•bá•ko 1: malakí at mabalahibong yerba (genus Nicotiana) na may putî o pink na mga bulaklak at malalakí ang mga dahon, katutubò sa Timog Amerika 2: ang pinatuyông dahon ng nasabing haláman na ginagawâng sigarilyo o maskada 3: malakíng bilot ng hititing tabako
tá•bal 1: paghabà at paglago, gaya ng pagtabal ng buhok, talahib, at iba pa 2: pagputol sa mga dahon ng lumalagong talahib, humahabàng buhok, at iba pa 3: maliit na niyog, na kinakaing may balát at buong-buo
ta•báng-ba•yá•wak : palumpóng (Flemingia strobilifera) na may maliliit na bulaklak, at maumbok na súpot ng butó