ta•ás 1: ang layò mula sa ibabâ hanggang sa taluktok 2: ang pinakatuktok o rurok ng anuman 3: kadakiláan 4: patayông súkat ng katawan ng tao mula paa hanggang ulo
ta•bâ 1: a malangis at dilaw o putîng substance na nabubuo sa tissue ng hayop b katulad na substance sa haláman 2: kabilugan ng katawan 3: mantikà
ta•ba•á•has : yerba (Aerua lanata) na may sali-salising tambilog na dahon at maraming bulaklak na pinakukuluan kapag ginagamit na pampaihi at gamot sa gonorea
tá•bab 1: lápad ng pahalang na rabáw ng payyo o bintaw 2: loob ng payyo o espasyo sa pagitan ng tapig at ng lupang tinatamnan
tá•bad 1: tubig na ibinabanto o idinadagdag upang pahinain ang bisà ng alak o anumang likido 2: alak mula sa bigas at ginagamit sa ritwal na pagdiwata
tá•bag 1: anumang idinadagdag upang palitán ang nawala, nasirà, o nagamit sa proseso ng pagluluto o paggawâ ng isang bagay 2: tubig na isinasaboy sa alkitran upang mabawasan ang init nitó 3: sagót1