- tí•gadpng:tíla bandehang lalagyan na gawâ sa nilálang kawayan o yantok na isinasabit sa bubong upang hindi maabot ng daga o pusa ang mga pagkaing nakalagay dito.
- ti•gád•lumpng | Mit | [ Hil ]:mahiwagang kapangyarihang maging imbisible at sinasabing taglay ng tamawo.
- ti•gákpng | Zoo | [ ST ]:parang kaliskis na tumor sa dila ng manok kaya hindi makatilaok
- ti•gam•ba•lâpng | [ ST ]:timbang ng ginto na katumbas ng anim na butil ng mais.
- tíg-anpng | [ Ilk ]:gamot na pinaghalò-halòng ugat at alak, iniinom ng mga babaeng kapapanganak.
- ti•gángpnr1:labis na tuyô2:kung sa lupain, walang-walang tubig at hindi maaaring tamnan3:kulang sa pagtatalik na seksuwal
- ti•gáspng1:kalagayang hindi malambot, hindi nababaluk-tot, o hindi madalîng madurog; pagiging solido at siksik2:pagiging matatag o matibay3:4:pagiging sutíl
- ti•gá•sanpng | Bot | [ ST ]:isang uri ng punongkahoy.
- ti•gá•tigpng | [ Kap ST ]:pakiramdam na hindi matahimik ang isip.
- tí•gawpng1:haláman (Callicar-pa candicans) na biluhaba ang malalapad na dahong matulis ang gilid, kumpol-kumpol ang mga bu-laklak, at mabilóg ang bungang kulay lilà, tumataas nang hanggang 4 m2:[ST] tílin3:[ST] bahaging itaas ng tainga.