• wár•den
    png | [ Ing ]
    1:
    tao na itinalagang mangalaga sa tao, hayop, o bagay
    2:
    ang punòng opisyal na nangangasiwa sa bilangguan
    3:
    alinman sa mga opisyal ng pamahalaan na nangangasiwa sa daúngan, gubat, at katulad
  • wár•di
    png
    :
    wala sa loob na paraan ng pagtratrabaho, gaya sa “pawardi-wardi.”
  • wardrobe (wár•drowb)
    png | [ Ing ]
    1:
    aparador na lalagyan ng mga damit
    2:
    silid sa teatro na taguán ng mga kasuotan ng mga artista
    3:
    koleksiyon o kabuuang bílang ng mga damit o kasuotan ng isang tao
    4:
    mga damit para sa isang tiyak na okasyon
  • ware (weyr)
    png | [ Ing ]
    1:
    mga panindang magkakauri, gaya ng seramika
    2:
    a mga bagay o produktong ipinagbibili b kakayahan o talino ng isang tao
  • warehouse (wéyr•haws)
    png | [ Ing ]
  • warfare (wár•feyr)
    png | Mil | [ Ing ]
    1:
    ang proseso ng labanáng militar
    2:
    tunggalian ng dalawa o mahigit pang pangkat
    3:
    operasyong militar, lalo na ang pagsalakay sa kaaway
  • warhead (wár•hed)
    png | Mil | [ Ing ]
    :
    ang unahang bahagi ng misil, bomba, torpedo, at katulad na nagtataglay ng pampasabog, kemikal, o atomikong karga
  • wa•rí
    png | [ Iva ]
    :
    tawag sa nakababatàng kapatid
  • wa•rì
    png
    1:
    sariling palagay
    2:
    [ST] pagpapakumbaba sa pag-amin ng kasalanan
  • wa•rì
    pnd | [ Seb ]
    :
    mag-aksaya o gumastos nang gumastos
  • wa•rì
    pnr
    :
    tíla
  • wá•ri
    pnb
    1:
    [ST] bakit
    2:
    [Pan] sána
  • wá•ri
    png | [ ST ]
    1:
    2:
  • wá•rit
    png | Bot | [ ST ]
  • warlock (wár•lak)
    png | [ Ing ]
    :
    laláking gumagamit ng itim na karunungan
  • wár•lord
    png | Mil | [ Ing ]
    1:
    pinunò ng militar
    2:
    pinunòng may pangkat na armado
  • warm
    pnr | [ Ing ]
    2:
    maalinsangan, kung sa panahon
    3:
    may sinat, kung sa karamdaman
  • warmonger (war•móng•ger)
    png | [ Ing ]
    :
    tao na nagtataguyod o nagbubuyó ng pakikidigma
  • warm-up (wárm ap)
    png | [ Ing ]
    1:
    paghahanda para sa isang paligsahan, pagtatanghal, at katulad
    2:
    pagpapainit ng mákiná
  • warn
    pnd | [ Ing ]
    1:
    magbigay ng babalâ ukol sa panganib o hindi matiyak na pangyayari
    2:
    sabihan o payuhan na mag-ingat