war of nerves (wár of nervs) : paggamit ng pamamaraang sikolohiko, tulad ng propaganda, maling impormasyon, pananakot, at katulad, sa halip na tahasang pakikipaglaban o pakikidigma
warrant (wá•rant) 1: dokumento na nagpapatunay o nagpapahintulot, gaya ng resibo, lisensiya, at katulad 2: kasulatang ibinibigay ng isang hukom, at nagpapahintulot sa pulisya na hanapin, arestuhin, halughugin, kunin ang ari-arian, at dalhin ang nagkasála upang hatulan
warranty (wá•ran•tí) 1: aksiyon o halimbawa ng pagpapahintulot o pagpapatunay 2: kasunduan na nagbibigay ng katiyakan sa mga bagay na nása isang kontrata, gaya sa pagbibili o pagbebenta 3: kasulatang ibinibigay ng nagtitinda sa bumili at nangangakong maaaring ayusin o palitan ang binili sa loob ng takdang panahon
warren (wá•ren) 1: pook na pinagkukulungan sa mga kuneho; pook para sa pagpaparami ng mga ito 2: gusali, distrito, at katulad na maraming naninirahan subalit kulang sa mga pangangailangan
wash 1: húgas1 o paghuhúgas 2: ang kantidad ng mga kasuotan para sa paglalaba 3: ang nakikita o naririnig na galaw ng hangin o tunog ng hangin sanhi ng pagdaan ng sasakyang pantubig o sasakyang panghimpapawid 4: lupa na nadalá ng agos ng tubig