wí•lik : maliit na mamalya (family Talpidae), may maiitim na balahibo at napakaliit na mga matá, naglulungga at kumakain ng kulisap
will-o’-the-wisp (wíl-o•wísp) 1: liwanag na nakikíta sa latian na hinihinuhang nagmumulâ sa pag-ningas ng mga gas 2: palaiwas na tao 3: nakalilinlang na balak
willow (wí•low) : punong-kahoy o palumpong (genus Salix), karaniwang tumutubò sa malapit na tubigan na may maliliit na bulaklak
windbreaker (wind•bréy•ker) : uri ng dyaket na hanggang baywang ang habà, gawâ sa manipis na katad o anumang telang hindi tinatagos ng tubig, karaniwang may kuwelyo
windfall (wínd•fol) 1: mansanas o anumang prutas na nalaglag sa lupa sanhi ng hangin 2: anumang mahalagang bagay na hindi inaasahang matatamo
window-pane (wín•dow péyn) : pútol ng makapal na salamin, karaniwang kuwadrado, na ginagamit na pampunô sa panloob na espasyo ng balangkas ng bintana