big•lâ 1: nangyari, dumatíng, o ginawâ nang madalian at mabilisan 2: walang babalâ, nakagugulat, o hindi inaasahan
big•náy : punongkahoy (Antidesma bunius) na tumataas nang 4-10 m at may bungang kumpol-kumpol na tíla duhat, mapulá, malamán, at maasim, karaniwang ginagawâng halea at alak, katutubò sa India at Malaya, at hindi matiyak kung kailan pinatubò sa Filipinas
bi•gó 1: isang uri ng sakít na kakikitahan ng maputlang mukha at umbok na tiyan 2: ang taong hindi tumatama kapag nanunudlâ o nagsusugal