bi•gáy 1: pagkakaloob ng isang bagay na sarili upang ariin o pangalagaan ng iba 2: bagay na ibinigay upang ariin o pangalagaan ng iba 3: kilos upang sumunod sa nais o kahilingan bílang pagpapakíta ng pagkakaibigan o dahil sa awà
Big Bang : isang teoryang kosmiko na tumutukoy sa isang pagsambulat na simula ng santinakpan batay sa mga nasiyasat na ekspansiyon nitó, ugat na kosmiko ng radyasyon, saganang halimbawa ng mga element, at mga batas ng pisika
Big Díp•per : pangkat ng pitong maliwanag na bituin sa Ursa Major na kahawig ng dipper ang guhit ng balangkas
big•há•ni : tao na magagalitin, karaniwang may di sa unahán at nangangahulugan ng kabaligtaran, hal “di bigháni” payapa ang kalooban