biennial (bay•ín•yal) 1: tumatagal nang dalawang taon 2: nabubuo ang normal na habà ng búhay sa loob ng dalawang taon, namumulaklak at namumunga sa pangalawang taon, gaya ng beet 3: ginaganap tuwing ikalawang taon
bifocal (bay•fó•kal) : may dalawang pokus, tulad ng lenteng may bahaging pangmalayuan at pangmalapitan
bí•ga 1: varyant ng bigà3 2: pamumuhay nang malaswa 3: madaldal na tao 4: yerba na malapad ang dahon 5: uri ng tumor