aw
á·wa
png |Ana |[ Ifu ]
:
gilid ng baywang.
á·wag
pnd |a·wá·gin, i·á·wag, mag-á·wag |[ ST ]
:
bumulyaw, sumigaw, o magtatalak para mapahiya ang isang tao.
a·wák
png |[ ST ]
1:
Heo
napakalaking lawas ng tubig, gaya ng dagat o karagatan
2:
paglabo ng tingin sa isang bagay na lubha nang malayò.
á·wak
pnd |a·wá·kan, mag-á·wak, u·má·wak |[ ST ]
:
magbawas ng karga o sakay ng bangka.
a·wán
png |[ War ]
:
oras ng bakasyon.
á·wan-á·wan
png |[ ST ]
:
paghinto at pagbalik.
a·wás
png
1:
[ST]
pagbabâ ng halaga ng kahit anong bagay
2:
varyant ng báwas1
3:
pagkalas o pagtanggal
4:
[Ted]
manúgang.
á·was
png |[ ST ]
1:
pag-apaw ng tubig o butil mula sa sisidlan
2:
pagdadalá ng isang bagay nang nahihirapan.
á·wat
png
1:
pagpapatigil o pagsaway
2:
pagbabawas ng gatong upang mabawasan ang liyab o siklab
3:
pagpapatigil ng sanggol sa pagsúso sa ina — pnr a·wát
4:
isang hibla ng alutay.
aw-áw
png
1:
[ST]
alugín o luglugan ang damit sa tubig nang hindi ito pinipigâ
2:
tahól o kahól ng aso.
aw·dis·yón
png |[ Esp audición ]
1:
pagsubok sa kahusayan at kaangkupan ng mang-aawit, aktor, mananayaw, at katulad : AUDITION
2:
kakayahang makarinig o makinig : AUDITION
aw·di·tí·bo
png |[ Esp auditivo ]
:
bahagi ng anumang kasangkapan na konektado o inilalapit sa tainga, tulad ng sa telepono, radyo, at iba pa.
aw·di·tór·yo
png |[ Esp auditorio ]
1:
malawak na silid o espasyong nakalaan para sa manonood o madla sa simbahan, teatro, paaralan, o iba pang institusyon ; malakíng bulwagan : AUDITORIUM,
BULWÁGAN2
2:
gusaling itinayô para sa pampublikong pagpupulong, panayam, at iba pang malakíng pagtitipon : AUDITORIUM,
BULWÁGAN2
a·wé
png |[ Tir ]
:
kaibígang babae.
a·wi·á·wi
png
1:
[ST]
tao o bagay na unti-unting nawawalan ng halaga
2:
[ST]
áwoy
3:
[ST]
tao na hindi ginagawâ ang inaasahang magagawâ
4:
mga munting kalakal o paninda.
á·wing
pnb
:
mabagal at paunti-unti ang paggawâ.
a·wís
pnd |a·wi·sín, mag a·wís, u·ma·wís |[ ST ]
:
kayasin ang dulo ng manipis na patpat o pamalò.
á·wis
pnd |a·wí·sin, mag-á·wis, u·má·wis |[ ST ]
:
dalhin ang isang karga na hindi maganda ang pagkakalagay.
á·wit
png
1:
2:
Lit
[Tag]
uri ng mahabàng tulang pasalaysay na lumaganap noong panahon ng Español, ibinubukod sa korido dahil sa sukat na lalabindalawahin
3:
Lit Mus
[War]
awiting-bayan na binubuo ng dalawang saknong na may dalawang taludtod, karaniwang kinakanta ng mga mandaragat at inihihimig sa paggaod
4:
Kol
paghingi ng isang bagay.
a·wí·ting-bá·yan
png |Lit Mus |[ awit+in-ng+bayan ]
Á·wit ni So·lo·món
png
:
aklat sa Bibliya na naglalamán ng mga tula ng pag-ibig na ipinalalagay na mula kay Solomon : AWIT NG MGA AWIT,
SONG OF SOLOMON
a·wí·wis
png
:
paggalaw ng isang bagay na nakadikit sa katawan ayon sa regular na kilos ng katawan.
aw·ná·sin
png |Bot |[ Bik ]
:
palumpong (Ardisia pyramidalis ) na balahibuhin ang dahon, maliit ang kumpol na puláng bulaklak, at bilog ang puláng bunga na nagiging itim, katutubò at karaniwang matatagpuan sa mga gubat at bangin ng Filipinas : RUGRUGSÚ
a·wóg
png |[ Seb ]
:
anting-anting na isinasabit sa mga punò o haláman para mapangalagaan ang mga bunga laban sa magnanakaw.
AWOL
daglat pnr |[ Ing ]
:
Absent Without Official Leave.
á·won
png |[ ST ]
:
magálang na pagsagot.
aw·ró·ra (aw·ró·ra)
png |[ Esp aurora ]
1:
kumikinang na liwanag, sa ibabaw ng polong magnetiko sa hilaga o timog : AURORA
aws·té·ri·dád
png |[ Esp austeridad ]
1:
tipíd o pagtitipid
2:
higpít1-2 o kahigpitan.
Aws·tral·yá·no (aws·tral·yá·no)
pnr |Ant Lgw |[ Esp Australiano ]
:
baybay sa Tagalog ng Australiano.
aw·tén·ti·ká
pnd |mag-aw·tén·ti·ká, i·aw·tén·ti·ká |[ Esp autenticar ]
1:
patunayan ; patotohanan ; patibayan
aw·tén·ti·kó
pnr |[ Esp auténtico ]
1:
2:
Mus
nagtataglay ng mga nota sa pagitan ng panghulíng nota at higit na mataas na oktaba nitó.
aw·tís·mo
png |Med Sik |[ Esp autismo ]
:
kalagayan ng pag-iisip na lubusang nakatuon sa sarili at walang kakayahang tumugon o makipagtalastasan sa ibang tao.
áw·to
png |Mek |[ Esp auto ]
:
pinaikling awtomobil.
aw·to·gra·pí·ya
png |[ Esp autografía ]
1:
pagsusulat sa pamamagitan ng sariling kamay : AUTOGRAPHY
2:
tunay na kopya ng nakasulat o nakaguhit : AUTOGRAPHY
aw·tó·gra·pó
png |[ Esp autógrafo ]
1:
lagda, lalo na ng isang tanyag na tao : AUTOGRAPH
2:
3:
manuskrito sa sulat-kamay ng awtor : AUTOGRAPH
4:
dokumentong nilagdaan ng awtor nitó : AUTOGRAPH
aw·to·krás·ya
png |Pol |[ Esp autocracia ]
1:
pamahalaang hawak ng iisang tao ang lubos na kapangyarihan : AUTOCRACY,
DESPOTÍSMO2
2:
kapangyarihan ng awtokrata : AUTOCRACY,
DESPOTÍSMO
3:
bansa o lipunang may ganitong uri ng pamahalaan : AUTOCRACY,
DESPOTÍSMO2
aw·to·mas·yón
png |[ Esp automación ]
1:
paggamit ng de-mákiná o de-koryenteng kasangkapan upang makatipid sa mental at manwal na paggawâ : AUTOMATION
2:
awtomatikong kontrol sa iba’t ibang yugto ng paggawâ ng produkto : AUTOMATION
aw·to·má·ti·kó
pnr |[ Esp automatico ]
1:
kusang kumikilos, gumagalaw, umaandar, o tumatakbo : AUTOMATIC
2:
agad-agad ; agaran at hindi na iniisip : AUTOMATIC
3:
kailangan at tiyak na magaganap : AUTOMATIC
4:
5:
sa baril, tuloy-tuloy na pumuputok hanggang maubos ang bala o hanggang maalis ang pisil sa gatilyo : AUTOMATIC
6:
Mek
sa sasakyang de-motor, gumagamit ng kambiyo na kusang nagbabago ayon sa tulin at pagpapabilis : AUTOMATIC
aw·tó·no·mó
pnr |Pol |[ Esp autonomo ]
1:
2:
may kalayaan ; may kasarinlan
3:
may kinaláman sa kalayaan o awtonomiya : AUTONOMOUS
aw·top·sí·ya
png |[ Esp autopsia ]
1:
2:
anumang kritikal na pagsusuri : AUTOPSY
3:
personal na pagsusuri : AUTOPSY
áw·to·ri·dád
png |[ Esp autoridad ]
3:
tao na dalubhasa sa anumang karunungan : AUTHORITY
4:
kinikilálang mahusay na sanggunian : AUTHORITY
5:
aw·to·ri·sas·yón
png |[ Esp autorización ]
:
pagbibigay ng bisà at pahintulot.
áw·to·ri·tar·ya·nís·mo
png |Pol |[ Esp autoritarianismo ]
:
paraan ng pamamahala na nagpapairal ng mahigpit na pagsunod sa gobyerno o awtoridad at sumisikil sa kalayaan ng mamamayan : AUTHORITARIANISM
aw·to·ri·tár·yo
pnr |[ Esp autoritario ]
:
may katangian ng awtoritaryanismo.
aw·to·ri·ta·tí·bo
pnr |[ Esp autoritativo ]
1:
kinikilála bílang totoo at mapananaligan ; dapat sundin o tuparin : AUTHORITATIVE
2:
3:
ng awtoridad o ng isang dalubhasa : AUTHORITATIVE