bá•nil 1: makapal na libág sa leeg 2: mga ugat ng punongkahoy na nakaumbok sa lupa 3: pamamagâ ng ugat 4: marká sa balát dulot ng hampas o hataw
bán•jo : instrumento na karaniwang may limang kuwerdas, bilóg at tíla tamburin ang katawan, at mahabà ang leeg na may mga traste
bank (bangk) 1: bángko 2: padalisdis na gilid ng ilog; pampang ng ilog 3: artipisyal na dalisdis ng kalsada at katulad, upang mapanatili ang bilis ng sasakyan sa pagliko sa kurbada
banking (bángk•ing) 1: transaksiyong pangnegosyo ng isang bangko 2: pamamalakad o pangangasiwa ng bangko