ban•lág 1: paglalayag pabagtas sa mga alon at ihip ng hangin 2: batalan na ginagamit patuyuan ng karne o isda o kayâ’y pahapunan ng mga manok 3: pagpapatong ng anuman sa isang mataas na bagay na tulad ng bangkô
bán•lak 1: masaganang kaloob hal Nabanlak ang bayan sa bigas at isda 2: pagdidilig sa pamamagitan ng biglang pagbubuhos ng tubig sa haláman
ban•lát 1: ulbô 2: isdang nahuhúli sa ilog 3: maliit na baklad sa ilog 4: maliit at panandaliang silungán sa gubat o bundok
ban•láw 1: paghuhugas ng sinabón 2: muling pagligo matapos maligo sa ilog, dagat, swimming pool, at katulad
ban•lî 1: panandaliang pagbubuhos o paglulubog sa kumu-kulông tubig ng hilaw na pagkain 2: pasò dahil sa talsik ng mainit na tubig