ban•lóng 1: palayán na pinaligiran ng mga hanggahan upang maibukod sa ibang bukid 2: batay sa una, ang pagsasalita o paggawâ sa loob ng hanggahan ng katwiran
ban•lóng 1: talunin ang iba sa pamamagitan ng abilidad o lakas 2: maliliman ng isang punòngkahoy ang ibang pananim at sanhi ng hindi paglakí ng hulí
banner (bá•ner) 1: mahabàng piraso ng tela na may sagisag, islogan, o disenyo, ibinibitin sa kalye o harapan ng gusali, o binibitbit na nakatalì sa patpat o kahoy ang magkabilâng dulo 2: bagay na itinuturing o itinatanghal bílang simbolo 3: ulo o titulo ng balita sa pahayagan