di•pá 1: pagpuwesto sa paraang pakrus o pantay-balikat na pag-unat ng dalawang kamay 2: sukat ng habà nitó
di-pa•lák : sawikaing pang-hambing upang tukuyin na ang isa ay labis na nakahihigit sa isa pa; hal di-palak na marunong si Pedro kay Juan
dip•dí•pon : uri ng ibon (Irena cyanogaster), kahawig ng kilyawan ngunit may madilim na asul na kulay sa ulo, likod, at pakpak
di•pe•ren•si•yál 1: tungkol sa pagkakaiba 2: hinggil sa pagkakaiba ng dalawa o higit pang mosyon, presyur, at iba pa
di•pe•rén•si•yál 1: halagang nalalabí 2: bahagi ng sasakyang de-motor na kinaroroonan ng mga gear para sa pagkontrol ng mga shaft