dip•tér•ya : sakít na malubha at nakahahawa, sanhi ng bakterya, may pamamagâ ng lala-munan, at nagdudulot ng paghihirap sa paghinga at paglunok
diptych (díp•tik) 1: painting, karaniwang inilalagay sa altar, na may dalawang entrepanyong pinaghugpong at maaaring itiklop tulad ng aklat 2: sinaunang lapida na may dalawang dahon na pinaghug-pong ng allid
di•pus•yón 1: pag-kalat o paglaganap 2: paghahalò ng mga molecule, ion, at katulad, nagbubunga ng pagbabago ng init o singaw 3: pagkalat ng mga bagay sa atmospera sa pamamagitan ng galaw ng molecule sa hangin 4: pag-sasalin ng mga elemento o salik ng isang kultura túngo sa iba
di•rek•si•yón 1: patnubay o pamamahala 2: instruksiyon, karaniwan sa pagga-mit ng aparato o kasangkapan 3: linyang sinusundan upang maratíng ang destinasyon o paroro-onan 4: saklaw ng paksa o asignatura 5: ádres1
di•rék•ta 1: tuwíd 2: tapát1; hindi paligoy-ligoy 3: walang namamagitan 4: hindi kolateral 5: sa interval o chord, hindi baligtad 6: tumutukoy sa pagpatnubay sa isang pagtatanghal