diplodocus (dip•lo•dó•kus) : sa panahong Jurassic, malakíng dinosawro (genus , Diplodocus) na erbiboro
dip•ló•ma 1: sertipikong ipinagkakaloob ng kolehiyo o unibersidad sa sinumang nagtapos sa antas ng akademikong pag-aaral 2: dokumentong nagpapatunay ng karangalan at karapatan 3: opisyal na dokumento
dip•lo•más•ya 1: a pamamahala ng ugnayang internasyonal b kadalubhasaan dito 2: kasanayan sa personal na ugnayan
díp•lo•mát 1: opisyal na kumakatawan ng bansa sa ibang bansa; kasapi ng diplomatikong paglilingkod 2: tao na mahusay makitúngo
diplomatic immunity (dip•lo•má•tik im•yú•ni•tí) : pagiging libre sa buwis, habla, pagdakip, at iba pa ng isang diplomatikong kawani sa labas ng bansa
dipper (dí•per) 1: ibon (Cinclus cinclus) na may maikling buntot at may kakayahang sumisid sa tubig 2: hugis tásang sisidlan na may mahabà at tuwid na tatangnan at ginagamit na pansalok ng tubig
Dip•té•ra : order na binu-buo ng mga kulisap na may dalawang pakpak na higit na maliit ang hulihán at nagsisilbing pambalanse kapag lumilipad, gaya ng lamok