fire fern (fayr fern) : maliit na palumpong (Oxalis hedysaroides), kulay morado ang dahon, may mahabàng tangkay, at may bulaklak na dilaw, katutubò sa Venezuela, Columbia, at Ecuador, at ipinasok ang cultivar noong dekada 50 sa Filipinas
fireman (fáyr•man) 1: bombéro1 2: tagapagalaga ng pugon ng isang bapor o ang namamahala sa mga mákiná ng isang barko sa US navy
fire power (fayr pá•wer) 1: mapaminsalang lakas ng baril at iba pa 2: kakayahang pinansiyal, intelektuwal, o emosyonal
firework (fáyr•work) 1: produktong naglalamán ng madalîng magningas na kemikal na lumilikha ng pagsabog o kahanga-hangang epekto 2: bugso ng damdamin, lalo na ng gálit 3: pagtatanghal ng talino
firing squad (fáy•ring is•kwád) : pangkat ng mga sundalong inatasang bumaril sa tao na nahatulan ng kamatayan