frequency modulation (frí•kwen•sí mó•dyu•léy•syon) 1: pagbabago sa frequency 2: paraan o sistema ng brodkasting na nagpapadalá ng signal sa pamamagitan ng pagbabago sa frequency
fresco (frés•kow) : paraan o sining ng pagpipinta sa basâ at bagong lagay na plaster upang manuot ang kulay
fret 1: pampalamuting disenyo, karaniwang binubuo ng serye ng mga tuwid na linyang pahalang at patayô 2: tráste 3: pagkaligalig ng isip
fretsaw (frét•so) : lagaring may makitid na talim na nakalagay sa isang balangkas, ginagamit sa pagpútol ng maninipis na tabla ayon sa padron
Freudian (Fróy•dyan) : may kaugnayan kay Sigmund Freud o alinsunod sa kaniyang mga teorya, pamamaraan, o aral, lalo na kung tumutukoy sa kahalagahan ng seksuwalidad sa pag-uugali ng tao
fricassee (frí•kas•sí) : pinakuluan o piniritong mga piraso ng karne na inihahain kasáma ng malapot na putîng salsa