fugue (fyúg) 1: anyo ng komposisyong batay sa isa o higit pang paksa, at ayon sa mga alituntunin ng kontrapunto 2: pagkawala sa sarili, kalimitang bigla na lámang tumatakas ang mismong biktima mula sa nakasanayang pook o sitwasyon
fuhrer (fyú•rer) 1: pinunò o lider na malimit isang diktador 2: bahagi ng titulo na ikinakabit kay Hitler
-ful 1: pambuo ng pang-uri mula sa pangngalan, nangangahulugang a “punô ng,” hal beautiful b “nagtataglay ng mga katangian na,” hal masterful 2: pambuo ng pang-uri mula sa pang-uri na may kaunting pagbabago sa kahulugan, hal direful, grateful 3: pambuo ng pang-uri mula sa pandiwa, nangangahulugang “may kakayahang maging o bihasa sa,” hal forgetful, mournful, useful 4: pambuo ng pangngalan, nangangahulugang “ang dami na kailangan sa pagpunô ng,” hal spoonful, handful
full em•plóy•ment 1: kondisyon na walang nasasáyang na kapital o paggawâ ng anuman na kailangan 2: kondisyon na may trabaho ang may kakayahan at gustong gumawa
full house (fúl haws) 1: tawag sa sinehan o teatro kapag punô ng tao 2: sa larong poker, ang set na binubuo ng tatlong magkakaparehong bílang o antas ng baraha na magkakaiba ng suit at ng pares na baraha, hal tatlong reyna at dalawang diyes