frontier (fron•tír) 1: a linya na hanggáhan ng dalawang lupain b distritong malapit sa naturang linya 2: pinakamalayòng lupain na pananahanan 3: bago at hindi pa nagagalugad na larang, gaya sa agham
frontispiece (frón•tis•pís) 1: páhiná na may larawan o ilustrasyon, kaharap ng páhiná ng pamagat ng aklat 2: harapán ng isang gusali
frónt man 1: tao na nagtatakip sa iba 2: sa brodkasting, ang host ng programa 3: pangunahing kasapi ng bánda
frónt page (front peydz) : ang unang páhiná ng peryodiko, lalo na ang naglalamán ng mahahalaga at katangi-tanging balita
front runner (front rá•ner) 1: kalahok na nakikini-kinitang mananalo 2: atleta o kabayong nangunguna sa takbo
frost 1: pamumuo o pagtigas dahil sa lamig 2: lamig ng temperatura na sapat na makapagpayelo 3: namuong hamog dahil sa lamig