fulminate (fúl•mi•néyt) 1: asin o ester ng fulminic acid 2: anumang compound na malakas pumutok o sumabog
fulminate (fúl•mi•néyt) 1: ipahayag ang puna nang malakas 2: pumutok nang malakas; paputukin 3: sa sakít o sintomas, mabuo nang bigla
fulsome (fúl•sam) 1: nakayayamot sa sobrang pakunwaring papuri o labis na pagpapahayag ng damdamin 2: nakasusuya; nakasasawà
fun (fán) 1: bagay o bakasyong nagdudulot ng kasayahan o aliw 2: pagiging mapagpatawá at masayáng kasáma 3: pook na nagdudulot ng aliw o aliwan para sa mga batà