fun•si•yón 1: gawàin 2: aksiyon túngo sa kaganapan ng isang layunin 3: opisyal na gawain o pagkilos 4: pampublikong seremonya o okasyon 5: pormal o maringal na pagtitipon 6: isang kantidad na variable
furnish (fér•nish) 1: mag-laan o ilaan sa isang bahay, silid, at iba pa ang lahat ng kailangan, lalo na ang mga naililipat na muwebles 2: maglagay; magbigay
furniture (fér•ni•tyúr) 1: muwébles 2: kagamitan sa barko 3: mga piraso ng kahoy at metal na ginagamit sa pag-iimprenta
fuse (fyus) 1: kasangkapang pangkaligtasan, isinisingit sa sirkito ng elektrisidad upang mapútol ang sirkito kapag lumabis ang daloy ng koryente 2: kasangkapan na pansindi ng bomba o anumang may kargang eksplosibo, binubuo ng isang túbo o kordón, at iba pa