fry (fray) 1: mga panloob na bahagi ng hayop 2: pritong isda, manok, karne, at iba pa 3: semilya ng isda 4: anak ng iba pang nilaláng na maramihan kung isilang, gaya ng bubuyog at palaka
fryer (frá•yer) 1: tao na nagpiprito 2: kawali at katulad na ginagamit sa pagpiprito 3: manok na may lakíng maaari nang iprito
fudge (fadz) 1: matamis na toffee na may gatas, asukal, at katulad 2: walang-kuwentang bagay 3: kasinungalingan; panlilinlang 4: pahabol na balita
fuel (fyú•wel) 1: gátong1 o panggátong 2: pagkain na napagkukunan ng enerhiya 3: materyales na pinagkukunan ng enerhiyang nuklear 4: anuman na nakapagpapaigting ng emosyon o pagnanasà
Fuerza de Santiago (fu•wér•sa de san• ti•yá•go) : kutà na kasudlong ng Intramuros, Maynila, ginamit na bilangguan sa mga panahon ng Espanyol at ng Hapon
-fuge (fyudz) : pambuo ng pang-uri o pangngalan, nangangahulugang nagpapaalis o nagtataboy, hal febrifuge, vermifuge