friendster (frénd•is•tér) : isang sikat na personal na site sa cyberspace na nag-uugnay-ugnay sa magkakaibigan o potensiyal na kaibigan
frill (fril) : mahabàng piraso ng puntas o telang inilulupi at ikinakabit na dekorasyon sa gilid ng almohadon, leeg ng blusa, at iba pa
fringe (frindz) 1: mga sinulid na ginagawâng palawit, ikinakabit sa gilid bílang dekorasyon 2: labas na gilid 3: fringe benefit
frippery (frí•pe•ri) 1: marangya o hindi kailangang palamuti, lalo na sa damit 2: pagmamarangya sa pananalita, estilong panliteratura, at iba pa
frit 1: pinulbong halò ng buhangin at pampakapit ng hinang, ginagamit sa paggawâ ng salamin 2: malabubog na komposisyon na gamit sa paggawâ ng porselana, esmalte, at iba pa