fút•bol 1: laro na may tiglabíng-isang kasapi ang dalawang magkalabang pangkat na mag-uunahan sa pagsipa sa bola upang maipasok sa crossbar 2: bolang ginagamit sa larong it
futurism (fyú•tyu•rí•sim) : kilusán noong unang bahagi ng siglo 20 sa sining, literatura, musika, at iba pa, may kinaláman sa pagpapakilála at pagsasáma sa sining ng lakas at dinamismo ng makabagong teknolohiya
futurist (fyú•tyu•ríst) 1: tagapagtaguyod ng futurism 2: tao na naniniwala sa pag-unlad ng tao 3: estudyante sa hinaharap 4: tao na naniniwalang mangyayári pa lámang ang propesiya ng Bibliya, lalo na ang nása Apokalipsis
futuristic (fyú•tyu•rís•tik) 1: angkop sa hinaharap o sa panahong dáratíng 2: ukol sa o kaugnay sa futurism 3: ukol sa hinaharap
-fy (fay) 1: pambuo ng pandiwa at pangngalan, nangangahulugang “gawin o maging,” hal pacify, petrify 2: pambuo ng pandiwa mula sa pang-uri, nangangahulugang “dalhin o ilagay sa gayong estado o katayuan,” hal solidify