- ka•ra•bá•napng | [ Esp caravana ]1:pangkatang paglalakbay ng mga komersiyante at peregrino lalo na sa disyerto2:sasakyang matitirhan, kompleto sa gamit, at karaniwang hila ng kabayo o de-motor
- ka•ra•bi•né•ropng | Kas | [ Esp carabi-nero ]:noong panahon ng Espanyol, kasapi ng isang samahán na itinatag noong 1847 para sa kaayusang pangmadla
- ká•radpng | [ War ]:laruang gawâ sa kahon na kinakalantog ng batà
- ka•ra•dá•kadpng | [ Ilk ]:tunog na likha ng gulóng na dumadaan sa batu-hán o ng lumalakad sa mga tuyông biyas ng kahoy
- ka•rágpng | [ Pan ]1:pagpadyak sa sa-hig2:tawag din sa tunog nitó
- Ka•rá•gapng | Ant | [ Mnd ]:isa sa mga pangkating etniko ng mga Mandaya
- ka•ra•ga•tánpng | Heo | [ ka+dagat+ an ]1:malawak na tubig na bumabálot sa malakíng bahagi ng rabaw ng mundo at pumapalibot sa kalupaan2:alinman sa heograpikong dibisyon ng lawas na ito3:[ST] pagtatálong patula, karaniwang ginaganap kung may lamay, at hango sa kuwento ng pagkawala ng singsing ng prinsesa sa karagatan
- Ka•ra•ga•táng An•tár•ti•kópng | Heg | [ Tag ka+dagat+an+ng Esp Antartico ]:karagatang nása Antarctic Circle at nása hanggáhan ng Antartiko