nu•wés 1: butó na may matigas at nakakaing lamán 2: prutas na may matigas at magaspang na talukab at nakakain ang lamán
nux vomica (nuks vóm•i•ká) 1: punongkahoy (Strychnos nuxvomica) sa timog Asia na may nakalalasong bunga 2: bunga ng punòng ito
nuy•nóy 1: pagtatali sa lahat ng bagay nang walang maiiwan 2: batay sa una ang pagsu-suri, pagninilay, o pagpapahayag ng kaliit-liitang detalye hinggil sa isang pangyayari
nyctalopia (nik•ta•lú•pi•yá) : normal ang kondisyon ng mga matá kung araw ngunit hindi nakakakíta kung gabi
nymphalid (ním•fa•líd) : anu-mang kulisap na kabílang sa family Nymphalidae, lalo na ang mga paru-paro