pop (pap) 1: bigla at malakas na tunog, gaya ng tapón na naalis sa nguso ng bote 2: mabula at matamis na inúmin 3: komersiyal at po-pular na musika, lalo na ang nagmula noong dekada 1950 4: pop na rekord o kanta
pop art (pap art) : estilo at kilusang nakabatay sa kulturang popular at mass media, lalo na bílang masusing panunuri sa tradisyonal na halagahan sa fine arts.
popcorn (páp•korn) : anu-mang uri ng maliliit at matigas na butil ng mais na lumalaki kung pi-naiinitan o ibinubusa.
popgun (páp•gan) 1: laruang baril na may bálang pelet o tapón at gumagana sa pamamagitan ng kumpresyon ng hangin sa kanyon 2: tawag sa hindi gumaganang baril.
poplar (páp•lar) 1: punongkahoy (genus Populus) na ma-taas at mabilis lumaki 2: malambot at putîng kahoy ng punòng ito.
poppy (pó•pi) : haláman (family Papaveraceae) na may matitingkad na bulaklak, madagtang lamán, at pabilóg na butóng kapsula
popular (po•pu•lár, pó•pyu•lár) 1: kinagigiliwan, hinaha-ngaan, o minamahal ng karamihan ng tao 2: angkop o sadyang para sa panlasa at talino ng karaniwang tao 3: mula sa karaniwang tao