por•nó•gra•pí•ya : paglalarawan o pagtatanghal ng seksuwal na aktibidad sa literatura, pelikula, at katulad, upang pukawin ang pagnanasàng seksuwal ng mambabasá o manonood
porphyria (pór•fi•rí•ya) : di-karaniwan at namamánang sakít na dulot ng abnormal na metabo-lismo ng pigment na hemoglobin ng dugo.
porphyry (pór•fi•rí) 1: matigas na bató na minimina sa sinaunang Egypt, at binubuo ng putî o puláng kristal 2: batóng mula sa bulkan, na may malalaking kristal na nakabukod sa molde ng maliliit na kristal.
porpoise (pór•pos) : uri ng balyena (family Phocaenidae) na may maliliit na ngipin, mababà at patatsulok na palikpik, at pabilóg na nguso.
pór•se•lá•na 1: luad na matigas, nanganganinag, at ginawang kristal 2: bagay na likha mula rito 3: bagay na kakulay o kahawig nitó, hal kutis porselana
por•si•yén•to 1: isa sa sandaang bahagi 1/100 2: antas o proporsiyon sa bawat sandaan 3: sapì, kasunduan, at iba pa na nanganga-ilangan ng antas ng interes
port 1: daungan 2: bayan o pook na may daungan 3: porthole1 4: bukás na bahagi sa gilid ng barko, para sa pagpasok at paglabas ng pasahero at kargamento 5: kaliwang gilid ng barko, kung nakaharap sa prowa ang tumitingin 6: uri ng matamis na alak at kara-niwang matingkad na pulá 7: socket o apertura sa isang electronic circuit, lalo na sa computer, na pinag-kakabitan ng karagdagang kasang-kapan.