por•mál 1: nanga-ngailangan ng mahigpit na pagtalima sa kahingian ng anyo, kaugalian, o kagandahang-asal 2: angkop isuot o gamitin sa mga seremonya, marangyang handaan, at iba pa 3: a hinggil sa porma lámang b may kaugnayan lámang sa porma o es-truktura, at hindi sa nilalamán 4: akademiko5
por•ma•li•dád 1: kalagayan o katangian ng pagiging pormal; pagsunod sa tradisyonal na tuntunin, pamamaraan, at katulad; pagiging kumbensiyonal 2: mahigpit na pagsunod o pagtupad sa mga itinakdang batas, tuntunin, at pamamaraan 3: pagsu-nod sa anyo o seremonya 4: isang nakatakdang kaayusan o paraan ng pagsasagawâ ng isang gawain 5: pormal na gawain o pagsunod 6: anumang ginagawâ upang matugu-nan lámang ang kahingian ng kostumbre o etiketa
pór•ma•lín : walang kulay na solusyón ng formal-dehyde sa tubig na ginagamit bílang pampreserba para sa biyolohikong ispesimen at iba pa
por•ma•lís•mo : mahigpit na pagsunod sa mga iti-nakdang anyo, gaya sa pormalismo sa sining o relihiyon
por•mas•yón 1: akto o proseso ng pagbuo 2: anumang bagay na nabuo 3: estruktura o pagkakaa-yos ng mga bahagi 4: hanay 5: pagkakati-pon ng mga bató na may magkaka-tulad na katangian
pór•mu•lá 1: set ng pagkakabuo ng salita, gaya sa pagpa-pahayag o pagdedeklara ng tiyak na bagay, upang masundan ng pama-maraan o upang magamit sa ibang seremonya 2: anumang palagiang paraan na ginagamit sa paggawâ ng isang bagay 3: panuntunan na malimit na ipinakikíta sa algebraic symbol 4: ekspresyon ng mga sangkap ng compound sa pamama-gitan ng simbolo o pigura
pór•mu•lár•yo 1: koleksiyon o sistema ng mga por-mula 2: aklat na may listahan ng mga sangkap at pormula para sa paghahanda ng gamot 3: form2.
por•mu•las•yón 1: kilos sa paglikha ng isang bagay 2: materyales o timpla alinsunod sa isang pormula.