pó•pu•la•ri•dád 1: katangian o katotohanan ng pagiging popular 2: ang pabor ng karamihan o ng partikular na pangkat ng tao
po•pu•las•yón 1: kabuuang bílang ng mga tao na naninirahan sa isang bansa, lungsod, o anumang pook 2: sa estadistika, pangkat ng mga indibidwal o bagay na pag-aaralan
porch (pórts) 1: silungáng nababakuran o may dingding at laan para sa pasukán ng gusali 2: balkonahe.
porcupine (pór•kyu•páyn) : hayop (Erethizon dorsatum) na mapagngatngat, may matitigas na balahibo, at karaniwang itim
pork barrel (pork bá•rel) 1: pondong mula sa pambansang badyet at ibinibigay sa mga mam-babatas upang gamitin sa pagpapa-unlad sa kani-kanilang lalawigan, bayan, at distrito 2: salaping kinukurakot ng mga politiko mula sa kabang-yaman ng bansa.