por•tá•da 1: arko sa ibabaw ng pintuan o pasukan 2: patsada 3: páhináng pampamagat 4: pambungad na larawan
pór•tal 1: may kaug-nayan sa pahabâng bitak sa atay na pinaglalagusan ng mga ugat 2: may kaugnayan sa portal vein.
pór•ta•mén•to 1: pag-salida mula sa isang nota túngo sa iba, gaya sa pagkanta, o pagtipa sa biyolin 2: pagtugtog ng piyano sa pa-raang nása pagitan ng legato at staccato.
pór•ta•pás : maliit na tíla tableta, karaniwang yarì sa pilak, may nakaumbok na imahen sa harap, at ipinapása sa kongregasyon tuwing may misa.
porte cochere (pórt•kot•syéyr) 1: porch na sapat ang lakí para maraanan ng sasakyan 2: sa United States, estrukturang may bubóng at sakop ang mulang pasukán ng gusali hanggang sa babàan ng mga pasahero.
porterhouse (pór•ter háws) 1: tindahan ng porter at iba pang inú-min 2: pook na nagsisilbi ng karne, panga ng baboy, at katulad 3: uri ng karneng steak.
porthole (pórt•howl) 1: apertura sa gilid ng sasakyang-dagat o panghimpapawid, na nagsisilbing lagusan ng liwanag 2: apertura ng kanyon para sa pagsipat.
portmanteau (pórt•man•tú) 1: aleta na yarì sa balát at nahahati sa dalawang pantay na bahagi kapag binuksan 2: pagsasanib ng dalawang salita na ginamitan ng pagtitipil, upang lumikha ng bagong salita.