separatista (sé•pa•ra•tís•ta) 1: tao na nagtataguyod ng paghihiwalay o ng kalayaan, lalo na mula sa kapangyarihang pampolitika o eklesyastiko na kinapapalooban niya 2: kilusang may katulad na layunin
sé•po 1: bloke ng kahoy na ginagamit bílang pang-hugpong 2: paraan ng pagpapa-kanyód sa batà bílang katuwaan ng matatandang laláki
septenarius (sép•te•nár•yus) : taludtod na may labing-apat na pantig, lalo na ang trochaic o iambic tetrameter
sep•tét 1: piyesa para sa pitóng musiko 2: mga musiko para sa gayong piyesa 3: anumang pangkat na may pitóng kasapi