sak•só•po•nó : instrumentong hinihipan sa túbong metal na may mga teklado at balbula na may bokilya tulad ng klarinet
sak•yód 1: lambat na panghúli ng balang, paruparo, tutubi, at iba pang insekto 2: tíla pahampas na paghúli ng paruparo 3: pabáling na suntok sa tagiliran 4: pataas na saksák
sa•lá 1: paraan ng maluwag na paglála, hal salá ng mga patpat ng kawayan na ginagamit na bakod ng halámanan o kulungan ng manok 2: sála1
sa•là 1: paraan ng paghihiwalay ng mapipino at ng makakapal na butil, ng dumi, o ng ibang substance sa pamamagitan ng tela o bistay 2: liwanag1 o ilaw