sák•ra•mén•tal 1: tumutukoy o tulad sa sakramento 2: pag-uukol nang higit na importansiya sa sakramento
sak•ra•mén•to 1: relihiyosong seremonya 2: kung sa malakíng titik, a ang Eukaristiya b konsagradong elemento
sak•ri•pís•yo 1: a pagsusukò ng isang bagay na maha-laga para sa isang bagay na higit na mahalaga b bagay na isinukò 2: pagpatay ng hayop o tao o pagsusukò ng ari-arian bílang pag-aalay 3: paraan ng taos na panalangin o penitensiya bílang pasasalamat
sak•rís•ti•yá : silid na kalimitang nasa tabi ng sagraryo, taguan ng mga gamit sa misa, at silid-bihisan ng mga pari
sak•sák 1: sugat na likha ng tulis ng patalim 2: pagsiksik sa lalagyan 3: paghiwa upang lumiit o maging pira-piraso, gaya ng pagsaksak ng bloke ng yelo 4: kanin na hinaluan ng tinadtad na gabe o kamote
sak•sák 1: tusukin o sugatan sa pamamagitan ng sandatang matalim 2: balasahin ang baraha 3: tabasin ang tabla
sák•sak : malakíng uri ng pipit1 (Bradypterus caudatus) na mahilig mamalagi sa lupa, mahabà ang buntot, kayumanggi ang buong katawan na may mga bátik na itim at abuhin sa paligid ng matá
sak•sí 1: tao na nakakíta, nakarinig, o nakaalam ng isang pangyayari 2: tao na may hawak ng ebidensiya 3: tao na nagbibigay ng testimonya sa hukuman