bi•bing•ká : kakanin na gawâ sa malagkit na bigas, iniluluto sa hurnong yarì sa luad, at ginagatungan sa ilalim at sa ibabaw
bi•bras•yón 1: yanig at iba pang kahawig na paulit-ulit na paggalaw nang paroon at parito 2: paggalaw ng mga bahagi ng likido o elastikong solid dahil nagalaw ang ekilibriyo o dahil sa isang along elekromagnetiko
bicameral (bay•ká•me•rál) : may dalawang sangay o kamara, gaya ng dalawang kamara sa Kongreso ng Filipinas
bicarbonate (bay•kár•bo•néyt) : salt ng carbonic acid na nagtataglay ng pangkat na HCO3-1; acid carbonate na gaya ng sodium bicarbonate (NaHCO3)
bicep (báy•sep) : masel na may dalawang umbok o magkakabit sa isang dulo lalo na ang masel na nagpapabaluktot sa bisig