bi
bi
png
:
tawag sa titik B ng alpabetong Filipino at Ingles.
bi- (bay)
pnl |[ Ing ]
:
nangangahulugang dalawa, dalawahan o dalawang ulit hal bicameral, bicycle, biannual.
bi·ád-bi·ád
png |[ Hil ]
:
palipat-lipat ng pook dahil sa kawalan ng matinong trabaho.
Bi·ág ni Lam-áng
png |Lit |[ Ilk ]
:
epikong-bayan ng mga Ilokano hinggil sa búhay at pakikipagsapalaran ni Lam-ang.
bî-al
png |Bot |[ Ifu ]
:
baging na tumutubò sa dalisdis, at karaniwang ginagawâng basket.
bí·as-bí·as
png |Bot |[ Kap Tag ]
:
gumagapang na yerba (Commelina benghalensis diffusa ) na nagkakatangkay sa hugpungan, may habilog na dahon na kinakain, at asul na bulaklak : KABILÁW,
KUHÁSI,
KULKULLÁSI
bí·as-pu·gò
png |Bot
:
yerba (Ammania baccifera ) na may nakasusugat na mga dahon.
bí·aw
png |Bot |[ Tag Bag ]
:
bunga ng lumbang na malangis.
bí·bas
pnd |bi·bá·sin, mag·bí·bas |[ ST ]
:
mamingwit sa pamamagitan ng maliit na simâ.
bí·bas
png |Bot |[ ST ]
:
punongkahoy sa latian ng bakawan na maaaring lutuin at kainin ang bungangkahoy.
bí·be
png |Zoo |[ Hil Kap Mag Mrw Tag ]
bi·bíg
png
1:
Ana
bahagi ng mukha ng tao o hayop na pinapasukan ng pagkain ; guwang na naglalamán ng mga estrukturang kailangan sa pagnguya ; mga estrukturang ginagamit sa pagnguya at pagtikim, gaya ng ngipin, dila, oral cavity, at katulad ; bukasan ng guwang na pinagmumulan ng pagsasalita : ASBÚK,
BÂ-BÂ1,
BANGÁNGA,
BANGLÚS,
BIBÎ,
BÓKA,
BUNGÁ,
BUNGANGÀ1,
MÓDOL,
MOUTH,
NGÍWAT,
SANGÍ,
TÍMID
bi·bi·gán
pnr
:
madaldal, masag-wang magsalita.
bi·bing·ká
png |[ Bik Hil Ilk Kap Mrw Pan Seb War ]
:
kakanin na gawâ sa malagkit na bigas, iniluluto sa hurnong yarì sa luad, at ginagatungan sa ilalim at sa ibabaw : BABÉNGKA
bi·bi·rá·ngin
png |Zoo |[ ST ]
:
uri ng ahas.
bi·bír·si
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng maliit na bulaklak.
Bíb·li·yá
png |[ Esp Biblia ]
bíb·li·yó·gra·pí·ya
png |[ Esp bibliografia ]
:
talaan ng mga aklat na sanggunian sa isang saliksik : BIBLIOGRAPHY,
TALABABÀ
bí·bo·rá
png |Zoo |[ Esp vivora ]
:
alinman sa mga ahas (genus Vipera family Viperidae ) na maliit ngunit makamandag : VIPER
bi·bras·yón
png |Pis |[ Esp vibración ]
2:
Pis
paggalaw ng mga bahagi ng likido o elastikong solid dahil nagalaw ang ekilibriyo o dahil sa isang along elekromagnetiko : VIBRATION
bicameral (bay·ká·me·rál)
pnr |Pol |[ Ing ]
:
may dalawang sangay o kamara, gaya ng dalawang kamara sa Kongreso ng Filipinas : BAYKAMERÁL Cf UNICAMERAL
bicarbonate (bay·kár·bo·néyt)
png |Kem |[ Ing ]
:
salt ng carbonic acid na nagtataglay ng pangkat na HCO3-1 ; acid carbonate na gaya ng sodium bicarbonate (NaHCO3).
bicep (báy·sep)
png |Ana |[ Ing ]
:
masel na may dalawang umbok o magkakabit sa isang dulo lalo na ang masel na nagpapabaluktot sa bisig.
bicuspid (báy·kus·píd)
png |Ana |[ Ing ]
:
alinman sa walong ngipin na matatagpuan sa pagitan ng mga ngiping molar at cuspid.
bí·dang
png |[ Ilk ]
:
tapis ng babae na hanggang tuhod, itinatambal sa sáya.
bi·dáy
png |Bot |[ Ilk ]
:
uri ng haláman na may dahong pinakukuluan at ipinanliligo sa bagong panganak upang hindi mabinat.
bíd·bid
png |[ Kap Tag ]
1:
íkid ; o ang sinulid na iniiikid at ang karete na pinag-iikiran var birbír
2:
Med
matinding kombulsiyon
3:
bid·dáy
pnd |[ Ilk ]
:
linisin ang bulak matapos itong ihiwalay sa perikarpiyo ng gúmi.
bidding (bíd·ing)
png |[ Ing ]
1:
pang-gilid na dekorasyon sa tela o damit
2:
Kom
paghaharap ng bid
3:
Kom
panahon ng pagharap at pagtanggap ng mga bid.
bidet (bí·dey, báy·det)
png |[ Ing ]
:
mababaw at biluhabâng palanggana, may gripong sumusumpit paitaas ang tubig, at ginagamit sa paghuhugas ng puke at paligid nitó.
bí·ding
png
1:
sa pananahi, uri ng pagtabas
2:
Med
[Ilk]
kulugó
3:
Zoo
ibon (family Alcedinidae ) na may malakíng ulo at mahabà at matabâ ang tukâ
4:
maliit na susulbot (Ceyx melanurus ) na pulá ang tuka at nangingibabaw ang matingkad na dilaw na balahibo sa dibdib at ilalim ng pakpak : DWARF-KINGFISHER
bid·ló
pnr |[ War ]
:
mahirap nguyain o lunukin.
bid·yò
png |[ War ]
:
kawayang salapáng na maraming tulis.
biennial (bay·ín·yal)
pnr |[ Ing ]
1:
tumatagal nang dalawang taon
2:
Bot
nabubuo ang normal na habà ng búhay sa loob ng dalawang taon, namumulaklak at namumunga sa pangalawang taon, gaya ng beet
3:
ginaganap tuwing ikalawang taon.
biennium (ba·yén·yum)
png |[ Ing ]
:
panahon na binubuo ng dalawang taon.
bifocal (bay·fó·kal)
pnr |[ Ing ]
:
may dalawang pokus, tulad ng lenteng may bahaging pangmalayuan at pangmalapitan.
bí·ga
png
1:
Ark
[Esp viga]
varyant ng bigà3
2:
[ST]
pamumuhay nang malaswa
3:
[ST]
madaldal na tao
4:
Bot
yerba na malapad ang dahon
5:
Med
[ST]
uri ng tumor.
bi·gál
pnr |[ ST ]
1:
bahagyang nangangayayat dahil sa dami ng trabaho : BAKÁD
2:
Bot
hitik sa bunga ang buwig.
bi·gám·ya
png |Bat |[ Esp bigamia ]
1:
pagkakaroon ng dalawang asawa
2:
pagpapakasal sa iba kahit may bisà pa ang unang kasal.
bi·gás
png |Bot
bi·gá·tin
png |[ bigat+in ]
:
tao na may impluwensiya o kapangyarihan ; tao na kinikilála Cf BIG SHOT,
MALAKÍNG TÁO
bi·gáw
pnr |[ ST ]
bi·gáy
png
1:
2:
3:
pag·bi·bi·gáy kilos upang sumunod sa nais o kahilingan bílang pagpapakíta ng pagkakaibi-gan o dahil sa awà — pnd big·yan,
i·bi·gáy,
mag·bi·gáy.
bi·gáy-ba·ha·là
png |[ ST ]
:
pagdudulot ng ligalig sa tao na nananahimik.
bi·gáy-tu·wâ
png |[ ST ]
:
pagbibigay ng kasiyahan sa iba.
Big Bang
png |Pis |[ Ing ]
:
isang teoryang kosmiko na tumutukoy sa isang pagsambulat na simula ng santinakpan batay sa mga nasiyasat na ekspansiyon nitó, ugat na kosmiko ng radyasyon, saganang halimbawa ng mga element, at mga batas ng pisika.
Big Díp·per
png |Asn |[ Ing ]
:
pangkat ng pitong maliwanag na bituin sa Ursa Major na kahawig ng dipper ang guhit ng balangkas.
big·ha·nì
png
1:
2:
big·há·ni
png |[ ST ]
:
tao na magagalitin, karaniwang may di sa unahán at nangangahulugan ng kabaligtaran, hal “di bigháni” payapa ang kalooban var birháni
bi·gí
png |Bot |[ Tau ]
:
butó ng bungangkahoy, gulay, at bútil.
bi·gi·á·sum
png |Ana |[ Tau ]
:
butó sa dakong itaas ng pisngi.
bí·gil
png |Med |[ ST ]
:
búkol1 mga pasâ.