unlaping pambuo ng pang-uri at nangangahulugang may-roon, nakasuot, o gumagamit, karani-wang ipinapalit sa naka-, hal de-kotse, de-koryente, de-kuwerdas
2:
gawâ sa, hal de-lata, de-goma
3:
unlaping pambuo ng pandiwa at nangangahulugang a tanggalin, ilayô mula sa, o malayô hal deport, dethrone b pababâ, hal degrade, demote c gawin ang kabaligtaran, hal decompose, de-moralize d lubusan; ganap, hal deplore, declare
noong panahon ng Espanyol, tawag o ranggo ng isang opisyal sa munisipyo, pangalawang pinunò at humahalili sa gobernadorsilyo kapag wala o may sakít ang hulí.
yugto sa kasaysayang Europeo mula sa pagbagsak ng Emperyong Romano noong ikalimang dantaon hanggang sa pagbagsak ng Constantinople noong 1453 at natatangi sa paglitaw ng mga hiwalay na mga kaharian, pagsigla ng kalakalan at búhay sa lungsod, paglakas ng kapangyarihan ng mga monarkiya at ng Simbahang Katoliko
baging (Antigonon leptopus) na may malakíng habilog na dahon at may ukit ang mga gilid, may mga bulaklak na nakapumpon sa bawat tangkay, kulay mapusyaw hanggang matingkad na pink, katutubò sa Mexico at malaganap ngayon sa buong Filipinas, may mga variety na inaalagaan sa hardin at may mga bulaklak na kulay putî hanggang pink
kasulatang nilagdaan noong 1897 ni Andres Bonifacio at nagpapawalang-bisa sa halalan ng mga opisyal na ginanap noong 22 Marso 1897 sa Kumbensiyong Tejeros
klasikong imahen ni Aphrodite na tinatáyang ginawâ noong 100 BC, itinuturing na pinakatanyag na sinaunang eskultura, natagpuan sa Griyegong isla ng Melos noong 1820, at nása museong Louvre sa Paris, France ngayon
wasto o hustong gúlang; karaniwang dalawampu’t isang taóng gulang pataas ngunit sa ilalim ng kasalukuyang batas ng Filipinas, labingwalong taóng gúlang pataas
halámang ornamental (Cestrum nocturnum) na mahabà ang mga sanga, at berdeng manilaw-nilaw ang bulaklak na humahali-muyak sa gabi, katutubo sa tropikong Amerika
pinakamalaking ilog sa katimugang Filipinas, umaabot sa 320 km ang ha-bà, nagsisimula ito sa hilagang sila-ngang Mindanao timog ng Butuan at tinatawag doong Ilog Pulanggi, du-madaloy ito upang sumanib sa Ilog Kabacan at nagiging Ilog Mindanao. Mula sa kabundukan, nagiging sentro ito ng malawak at mayamang lupain sa timog gitnang bahagi ng Mindanao hanggang magtapos sa Golpong Mo-ro